₱500M REHABILITASYON NG JESSE M. ROBREDO COLISEUM SA NAGA, INAASAHANG SISIMULAN NGAYONG OKTUBRE
Sep 21, 2026, 11:00 AM

₱500M REHABILITASYON NG JESSE M. ROBREDO COLISEUM SA NAGA, INAASAHANG SISIMULAN NGAYONG OKTUBRE
NAGA CITY — Inihayag ni Naga City Mayor Leni Robredo ang mga detalye hinggil sa nakatakdang rehabilitasyon ng Jesse M. Robredo Coliseum, kasunod ng nakuhang pondo mula sa Pambansang Pamahalaan.
Ayon sa alkalde, bagamat itinayo noong 2009 bilang venue para sa mga malalaking kaganapan at may 12,000 seating capacity, madalas nang ginagamit ang coliseum bilang pangunahing evacuation center sa tuwing may kalamidad. Gayunman, dahil hindi ito orihinal na idinisenyo bilang pasilidad para sa paglikas, kulang ito sa mga pangunahing pasilidad tulad ng communal kitchen, maayos na palikuran, at imbakan ng relief goods—isang usaping higit na lumitaw matapos ang matinding pagbaha dulot ng Bagyong Kristine.
Dahil dito, humingi ng tulong ang pamahalaang lungsod sa payo ni Senator Kiko Pangilinan upang makakuha ng pondo sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF). Noong Pebrero 23, 2026, personal na inabot ni Pangulong Ferdinand "BBM" Marcos Jr. ang Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng ₱450 milyon para sa rehabilitasyon ng pasilidad, bukod pa sa ₱50 milyon na laan para sa pagbili ng mga heavy equipment sa disaster resilience.
Paliwanag ni Robredo, hindi agad naimula ang konstruksyon dahil kinailangan munang ihanda ang Balatas Building kung saan pansamantalang ililipat ngayong Oktubre ang mga tanggapang kasalukuyang nakahimpil sa coliseum. Kasalukuyan nang nasa post-qualification stage ang proseso ng bidding at inaasahang magsisimula na ang mismong pagpapagawa bago matapos ang buwan.
Courtesy: Mayor Leni Robredo (Official Statement)
#NagaCity #LeniRobredo #JesseRobredoColiseum #DisasterResilience #NagaCityNews #PBBM #BicolNews
View original post