𝐓𝐨𝐩-𝐝𝐨𝐰𝐧 𝐭𝐫𝐢𝐜𝐲𝐜𝐥𝐞 𝐬𝐮𝐦𝐚𝐥𝐩𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐩𝐮𝐧𝐨; 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐧𝐝𝐚, 𝐧𝐚𝐠𝐤𝐚𝐥𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐥𝐬𝐚𝐝𝐚

Sep 21, 2026, 10:28 AM

𝐓𝐨𝐩-𝐝𝐨𝐰𝐧 𝐭𝐫𝐢𝐜𝐲𝐜𝐥𝐞 𝐬𝐮𝐦𝐚𝐥𝐩𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐩𝐮𝐧𝐨; 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐧𝐝𝐚, 𝐧𝐚𝐠𝐤𝐚𝐥𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐥𝐬𝐚𝐝𝐚 PILI, CAMARINES SUR — Nagkalat sa kalsada ang mga paninda ng isang top-down tricycle matapos itong sumalpok sa isang puno sa Barangay Palestina, Pili, Camarines Sur, nitong umaga ng Setyembre 21. Ayon sa inisyal na ulat, tumama ang bahagi ng sasakyan sa puno na naging dahilan upang mawalan ito ng balanse at tuluyang tumilapon ang mga karga nitong paninda sa kalsada. Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at ang rescue team ng EDMERO Camarines Sur upang lapatan ng paunang lunas ang drayber at pasahero ng nasabing tricycle. #PiliCamSur #CamarinesSurNews #RoadAccident #BicolNews #EDMEROCamSur #BarangayPalestina #AksyonBicol
View original post