BALITANG LOKAL | ₱100 silver commemorative coin para sa Peñafrancia Festival, ilalabas ng BSP!

Sep 21, 2026, 9:06 AM

BALITANG LOKAL | ₱100 silver commemorative coin para sa Peñafrancia Festival, ilalabas ng BSP! Bilang pagpupugay sa debosyon sa Nuestra Señora de Peñafrancia, ilalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang isang espesyal na ₱100 silver commemorative coin na bahagi ng kanilang “Pista sa Pilipinas” series. Ang barya, na gawa sa 99.9% silver at nagkakahalagang ₱5,000, ay mabibili nang eksklusibo sa BSP Online Store simula Setyembre 24, 2026, alas-10:00 ng umaga. Dahil limitado ang supply, mahigpit na ipatutupad ang "one coin design per customer" policy at wala nang tatanggaping onsite o walk-in sales. VIVA LA VIRGEN! 🌹 (📸 Courtesy: BSP) #PeñafranciaFestival #BSPCommemorativeCoin #VivaLaVirgenDePenafrancia #100PesoCoin #NagaCity #BangkoSentralngPilipinas #PistaSaPilipinas
View original post