BALITANG TRAPIKO | Elf truck at Revo, nagsalpukan sa Labo, Camarines Norte
Sep 21, 2026, 8:45 AM

BALITANG TRAPIKO | Elf truck at Revo, nagsalpukan sa Labo, Camarines Norte
Isang vehicular accident ang naganap ngayong Linggo ng umaga sa kahabaan ng Maharlika Highway, Bayan ng Labo, Camarines Norte, matapos magsalpukan ang isang Elf truck at isang Toyota Revo.
Sa tindi ng banggaan, wasak na wasak ang harapan ng magkabilang sasakyan. Mabilis namang rumesponde ang mga tauhan ng MDRRMO Labo at PNP Labo sa pinangyarihan ng insidente upang sagipin at lapatan ng paunang lunas ang mga sugatang pasahero na naipit sa loob ng Revo.
#RoadCrash #LaboCamarinesNorte #Aksidente #MaharlikaHighway #MDRRMOLabo #PNPLabo #NewsUpdate #CamNorteNews
View original post