Balita: Fluvial Procession ng Peñafrancia 2026, Idedepende sa High Tide Dahil sa Mababang Tubig sa Bicol River
Sep 19, 2026, 12:54 PM

Balita: Fluvial Procession ng Peñafrancia 2026, Idedepende sa High Tide Dahil sa Mababang Tubig sa Bicol River
Nakasadsad ngayon ang pagoda ni "Ina" sa Bicol River dahil sa mababang lebel ng tubig bunsod ng kakulangan sa ulan ngayong Setyembre. Nagdesisyon ang Joint Operations Center ng Archdiocese of Caceres at LGU-Naga na hintayin ang high tide bago simulan ang Fluvial Procession mamayang gabi.
Dagdag pa sa problema ang matagal nang tagas sa nakasaradong flood gates ng Sabang Bridge, na ipinangako naman ng DPWH na popondohan para maayos pagdating ng 2027. Inaasahan ng mga awtoridad na sasapat ang lebel ng tubig mamaya upang tuloy-tuloy na makalarga ang pagoda.
Narito ang updated na iskedyul ng prusisyon ngayong araw:
* 3:30 PM - 5:30 PM – Pontifical Mass (Naga Metropolitan Cathedral)
* 6:30 PM – Simula ng Prusisyon (Divino Rostro at Our Lady of Peñafrancia)
* 8:30 PM – Pagdating sa Danlugan (Tabuco Bridge)
* 9:00 PM – Fluvial Procession
* 11:00 PM – Fluvial Mass (Minor Basilica of Our Lady of Peñafrancia and National Shrine)
📸 Leni Gerona Robredo
#Peñafrancia2026 #VivaLaVirgen #NagaCity #FluvialProcession #Ina
View original post