FLASH REPORT: Driver ng UV Express, Binaril sa Umano’y Holdapan sa Tuaca

Sep 15, 2026, 4:52 PM

FLASH REPORT: Driver ng UV Express, Binaril sa Umano’y Holdapan sa Tuaca BASUD, CAMARINES NORTE — Binaril at nasugatan ang driver ng isang UV Express (Naga-Daet route) matapos silang holdapin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Tuaca. Ayon sa paunang ulat, tinangay ng mga salarin ang mga gamit ng pasahero bago barilin ang driver. Nagtamo ng tama sa kanang likod ang biktima na tumagos sa kaniyang dibdib, at kasalukuyan na siyang nilalapatan ng lunas. Pinag-iingat ang mga biyahero sa nasabing ruta habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.
View original post