BREAKING NEWS: Mag-live-in partner, timbog sa ₱204K halaga ng shabu sa Naga City

Sep 15, 2026, 1:54 PM

BREAKING NEWS: Mag-live-in partner, timbog sa ₱204K halaga ng shabu sa Naga City ​Naaresto ng mga operatiba ng PDEA ang mag-live-in partner na sina alyas "Roel", 46, at "Alejandra", 36, sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Mabolo, Naga City nitong Setyembre 14. ​Nasabat mula sa mga suspek ang nasa 30 gramo ng hinihinalang shabu na may standard value na ₱204,000. ​Kasalukuyang nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ayon kay PDEA CamSur Chief Agent Adrian Fajardo, patuloy ang pagpapaigting ng kanilang kampanya kontra ilegal na droga upang masiguro ang kaligtasan ng publiko para sa Peñafrancia Festivities.
View original post