Mga patay na baboy na hinalang may ASF, natagpuan sa ilog sa Bula
Sep 15, 2026, 1:26 PM

Mga patay na baboy na hinalang may ASF, natagpuan sa ilog sa Bula
Nadiskubre ng mga residente ng Brgy. Banasi, Bula, Camarines Sur ang mga naaagnas na baboy na inaanod sa ilog matapos tuntunin ang masangsang na amoy sa kanilang lugar.
Ayon sa post ng concerned citizen na si Caren Alta, nangangamba ang mga residente sa posibleng banta ng African Swine Fever (ASF). Hinihintay pa ang kumpirmasyon ng mga awtoridad habang patuloy na inaalam kung sino ang nagtapon ng mga naturang baboy na nakahalo sa mga basura.
Photos: Caren Alta
View original post