SEGURIDAD SA ATENEO DE NAGA JHS, HINIGPITAN KASUNOD NG ONLINE THREAT

Sep 14, 2026, 9:00 PM

SEGURIDAD SA ATENEO DE NAGA JHS, HINIGPITAN KASUNOD NG ONLINE THREAT Nagtaas ng alerto at hinigpitan ng Ateneo de Naga University (AdNU) Junior High School ang seguridad nito matapos kumalat ang isang banta online na may larawan ng baril at mensaheng “Maybe not today, but tomorrow lol.” Ini-report na ito sa pulisya at nagsasagawa na ng mahigpit na bag inspection. Binigyan din ng opsyon ang mga magulang na huwag munang papasukin ang kanilang mga anak habang mino-monitor ang sitwasyon. #AteneoDeNaga #AdNU #NagaCity #StaySafe #NewsPH
View original post