820,000 DEBOTO, DUMALO SA TRASLACION PEÑAFRANCIA 2026; PNP, ITINURING NA ‘GENERALLY PEACEFUL’ ANG OKASYON
Sep 14, 2026, 5:30 PM
820,000 DEBOTO, DUMALO SA TRASLACION PEÑAFRANCIA 2026; PNP, ITINURING NA ‘GENERALLY PEACEFUL’ ANG OKASYON
Pumalo sa humigit-kumulang 820,000 na mga deboto at bisita ang nakiisa at sumigaw ng "Viva la Virgen!" sa ginanap na Traslacion ng Our Lady of Peñafrancia ngayong 2026 sa Naga City.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), naging pangkalahatang payapa at maayos ang kabuoan ng prusisyon sa kabila ng napakalaking dagsa ng tao. Walang nailatalang anumang malaking insidente na nakagulo sa taunang relihiyosong okasyon.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga awtoridad sa disiplina at kooperasyon ng mga nakiisa, pati na rin sa sakripisyo ng mga security personnel, volunteers, at emergency responders na nagbantay sa seguridad ng buong lungsod.
#Peñafrancia2026 #Traslacion2026 #VivaLaVirgen #VivaElDivinoRostro #NagaCity #Bicol #PNPUpdate
View original post