🏀 BALITANG ISPORTS: Special Guest Players, Lumapag na sa Lupi para sa Mayor's Cup 2026!

Sep 14, 2026, 3:26 PM

🏀 BALITANG ISPORTS: Special Guest Players, Lumapag na sa Lupi para sa Mayor's Cup 2026! LUPI — Opisyal nang dumating ngayong araw, Setyembre 14, 2026, ang mga inaabangang special guest players na magpapasaya sa grand opening ng Mayor's Cup 2026. Sinalubong ng pananabik ang pagdating ng mga viral basketball impersonators na sina LEBWRONGJAMES at SLEEP CARRY PH 0.2 na inaasahang magpapamalas ng kanilang nakakaaliw na husay sa court. Ang nasabing basketball tournament ay isa sa mga highlight ng masayang pagdiriwang para sa ika-300 Foundation Anniversary ng bayan ng Lupi. Ang proyektong ito ay inisyatibo ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Topi Jacinto upang patuloy na isulong ang palakasan at pagkakaisa ng mga mamamayan. Inaanyayahan ang buong bayan na makiisa at manood sa opening salvo na pormal na magsisimula pagsapit ng alas-singko ng hapon (5:00 PM). #MayorsCup2026 #OpeningSalvo #MayorTopiJacinto #ProgresibongLupi #I❤ProgresibongLUPI #LupiSportsNews #Lupi300thAnniversary #BicolNews
View original post