DRUG DEN SA IRIGA CITY, BINUWAG; 4 SUSPEK TIMBOG, ₱83.5K SHABU NASABAT

Sep 13, 2026, 4:06 PM

DRUG DEN SA IRIGA CITY, BINUWAG; 4 SUSPEK TIMBOG, ₱83.5K SHABU NASABAT Apat na indibidwal ang inaresto at isang drug den ang matagumpay na binuwag sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA at PNP Bicol kahapon, Setyembre 12, 2026, sa Zone 4, Brgy. San Francisco, Iriga City, Camarines Sur. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alias "Albert" (52), "Lucky" (37), "Jomel" (36), at "Arjay" (24). Nasabat sa operasyon ang aabot sa 12.29 gramo ng hinihinalang shabu na may kabuuang halaga na ₱83,572.00, pati na rin ang buy-bust money at iba't ibang drug paraphernalia gaya ng aluminum foil, improvised tooters, at lighters. Nahaharap ngayon ang apat na suspek sa patong-patong na kaso dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. #PDEABicol #PNP #IrigaCity #BicolNews #WarOnDrugs
View original post