✝️ TINGNAN: HIGANTENG KRUS, NABUO NG MGA DEBOTO SA TRASLACION

Sep 13, 2026, 8:08 AM

✝️ TINGNAN: HIGANTENG KRUS, NABUO NG MGA DEBOTO SA TRASLACION Mula sa himpapawid, isang tila higanteng krus ang nabuo sa Peñafrancia Avenue matapos dagsain ng mga deboto ang kalsada para sa Traslacion procession ng Nuestra Señora de Peñafrancia at El Divino Rostro nitong Biyernes. Sa isang aerial shot, malinaw na makikita ang hugis-krus na hanay ng mga mananampalataya na matiyagang naghihintay at sumasabay sa pagdaan ng mga andas patungo sa Naga Metropolitan Cathedral. Ayon sa Emergency Operations Center-Incident Management Team (EOC-IMT), tinatayang umabot sa 820,000 deboto ang nakiisa at nagpakita ng kanilang matibay na pananampalataya sa Traslacion. 𝙑𝙞𝙫𝙖 𝙇𝙖 𝙑𝙞𝙧𝙜𝙚𝙣! 𝙑𝙞𝙫𝙖 𝙀𝙡 𝘿𝙞𝙫𝙞𝙣𝙤 𝙍𝙤𝙨𝙩𝙧𝙤! 📸 Courtesy: Kairos Philip Poñado #Traslacion #PeñafranciaFestival #VivaLaVirgen #VivaElDivinoRostro #NagaCity #Bicol #FaithPH
View original post