DOBLENG AKSIDENTE SA GOA, CAM SUR: Dalawang babaeng tumatawid sa kalsada, nabangga ng motorsiklo sa magkahiwalay na i...

Sep 12, 2026, 8:42 PM

DOBLENG AKSIDENTE SA GOA, CAM SUR: Dalawang babaeng tumatawid sa kalsada, nabangga ng motorsiklo sa magkahiwalay na insidente GOA, CAMARINES SUR — Dalawang magkasunod na aksidente sa kalsada ang naitala sa bayan ng Goa, Camarines Sur, kung saan dalawang babaeng pedestrian ang nabangga ng motorsiklo sa magkahiwalay na barangay. Unang nangyari ang aksidente sa kahabaan ng kalsada sa Brgy. San Juan Bautista. Ayon sa ulat, isang babae ang nabangga ng motorsiklo habang papatawid. Parehong idineklarang nasa kritikal na kondisyon ang biktimang babae at ang driver ng motorsiklo matapos silang isugod sa Goa Infirmary. Sa kasalukuyan, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Goa PNP hinggil sa insidente. Ilang minuto lamang ang nakalipas matapos ang unang insidente, panibagong aksidente na naman ang nangyari sa Brgy. Tagongtong. Isa ring babaeng papatawid sa kalsada ang nabangga ng motorsiklo. Ligtas ang driver at ang angkas nito, habang nagtamo naman ng pinsala sa hita at balakang ang biktima na agad ding isinugod sa ospital para malapatan ng lunas. Patuloy ang panawagan at pagpapaalala sa parehong mga motorista at pedestrian na maging alerto at mag-doble ingat sa pagbaybay sa mga kalsada. Mag-ingat po tayo palagi #GoaCamSur #Aksidente #GoaPNP #RoadSafety #NewsUpdate #CamarinesSurNews #BicolNews
View original post