VIRAL: MGA VOYADORES, NAGSUNTUKAN SA TRASLACION SA NAGA CITY

Sep 11, 2026, 8:47 PM

VIRAL: MGA VOYADORES, NAGSUNTUKAN SA TRASLACION SA NAGA CITY NAGA CITY — Batay sa viral video na kuha ng isang netizen, humantong sa matinding suntukan ang ilang grupo ng "voyadores" sa gitna ng siksikan at tulakan sa katatapos lang na Traslacion ng Peñafrancia Festival. Sa nakakagulat na kuha, makikitang biglang sumiklab ang tensyon habang ginaganap ang prusisyon, kung saan nagpalitan ng suntok ang ilang kalalakihan bago sinubukang awatin ng iba pang mga kasamahang deboto. Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang maraming netizen at nanawagan ng pagtitimpi at paggalang sa solemnidad ng debosyon kay "Ina." #Penafrancia2026 #Traslacion2026 #Voyadores #NagaCity #ViralVideo #VivaLaVirgen
View original post