Pamamahagi ng Libreng Bigas sa Bulan, Sorsogon, Magsisimula na
Sep 9, 2026, 9:20 PM

Pamamahagi ng Libreng Bigas sa Bulan, Sorsogon, Magsisimula na
Dumating na sa Bulan, Sorsogon ang mga suplay ng bigas para sa Rice Distribution Program na ipamamahagi sa mga kwalipikadong benepisyaryo mula Setyembre 11 hanggang Setyembre 13, 2026.
Ang nasabing programa ay pinondohan sa ilalim ng Local Government Support Fund–Financial Assistance to Local Government Units (LGSF-FALGU) mula sa Pambansang Pamahalaan. Ayon sa LGU Bulan, ito na ang ikatlong batch ng pamamahagi mula sa unang P5 milyong pondo, at ikalawang batch naman para sa karagdagang P12 milyong pondo ng LGSF-FALGU na naglalayong maghatid ng pangunahing tulong sa komunidad.
#LGUBulan #Sorsogon #LGSFFALGU #RiceDistribution #SerbisyongPubliko
View original post