Bicolano Child Performer, Ibida sa Independyenteng Pelikula
Sep 9, 2026, 9:10 PM

Bicolano Child Performer, Ibida sa Independyenteng Pelikula
Ipinagmamalaki ng Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) – Calabanga ang 10-taong gulang na si Kyle Adrian Paga, isang mag-aaral ng Ratay Elementary School, matapos siyang makakuha ng mahalagang papel bilang "Victor" sa Bicolano indie film na Sayaw nin mga Salampati.
Hasa sa larangan ng pagtatanghal sa tulong ng Sentro ng Artistikong Manlilikha na Bumubuo ng Identidad at Talento (SAMBIT) sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Rosa Ubano-Cid at gabay ni Mr. Richard G. Castor, patunay si Kyle sa maunlad na sining sa rehiyon. Kasunod din siya ng yapak ng kanyang inang si Ma'am Arianne Mae B. Paga na isang empleyado ng kampus at alumna ng nasabing grupo.
Inaanyayahan ang buong komunidad ng Bicol na suportahan ang bata at ang local film production na nagtatampok sa kultura at kwentong Bicolano.
#SayawNinMgaSalampati #KyleAdrianPaga #CBSUACalabanga #SAMBIT #BicolanoTalent #SupportLocalFilms
View original post