Bicolano Student, Nagwagi ng Makasaysayang Gold Medal sa International Earth Science Olympiad
Sep 9, 2026, 4:21 PM

Bicolano Student, Nagwagi ng Makasaysayang Gold Medal sa International Earth Science Olympiad
Nag-uwi ng makasaysayang gold medal si Rodney Corbin P. Sarmiento, isang Grade 12 student mula sa Nabua National High School (NNHS) sa Camarines Sur, sa 19th International Earth Science Olympiad (IESO) na ginanap sa Turin, Italy.
Tinalo ni Sarmiento ang mga kalahok mula sa 40 bansa sa individual category. Ito ang ikalawang gold medal pa lamang ng Pilipinas sa IESO at ang kauna-unahan matapos ang 15 taon. Bukod dito, nakakuha rin siya ng silver medal sa International Team Field Investigation (ITFI).
Pinangunahan niya ang apat na miyembro ng PH team na nagtala ng pinakamagandang marka ng bansa sa kompetisyon. Nagkamit naman ng silver medals ang kaniyang mga kasamahang sina Jia Ruth Lauren Condino, Ethan James Cheng, at John Andrei Brecio.
Sa gabay ng kaniyang mentor na si Dr. Raquel Togores, pinatunayan ni Sarmiento na ang angking galing at pagsisikap ay kayang mag-uwi ng karangalan sa bansa mula man sa pampublikong paaralan.
#GalingBicolano #PinoyPride #IESO2026 #EarthScienceOlympiad #NabuaNHS #PublicSchoolPride #AghamParaSaBayan
View original post