₱10.7-M halaga ng shabu sa loob ng wedding dress box, intercepted ng BOC-Clark
Sep 9, 2026, 2:24 PM

₱10.7-M halaga ng shabu sa loob ng wedding dress box, intercepted ng BOC-Clark
Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Clark at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang humigit-kumulang 1.573 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱10.696 milyon.
Nakatago ang mga ilegal na droga sa cardboard walls ng isang kahon ng wedding dress na nagmula pa sa Mexico City at nakatala para ipadala sa Mandaluyong City. Nadiskubre ang kontrabando matapos itong sumailalim sa X-ray scanning at physical examination, kung saan nagpositibo ito sa initial screening para sa methamphetamine.
Muling nagpaalala si Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno na mananatiling alerto ang mga awtoridad laban sa patuloy na pagbabago ng pamamaraan ng mga smuggler upang makapagpuslit ng ilegal na droga sa bansa.
#BOC #PDEA #WarOnDrugs #NewsUpdate #CustomsPH
View original post