LALAKI, NALAGAY SA PANGANIB MATAPOS DUMOGIN NG MGA TABUAN SA SAN FERNANDO
Sep 9, 2026, 11:28 AM
LALAKI, NALAGAY SA PANGANIB MATAPOS DUMOGIN NG MGA TABUAN SA SAN FERNANDO
Nabalot ng takot ang mga residente sa San Fernando, Camarines Sur matapos dumugin at pagtulung-tulungang sugurin ng mga tabuan o pukyutan ang isang lalaking naglilinis sa bahagi ng Agos River.
Nagsimula ang insidente nang mag-alis ng isang sanga ng kahoy ang biktima na nagpalabas sa napakaraming bubuyog. Hinabol at sinundan ng mga ito ang lalaki hanggang sa tabi ng national highway, kung saan marami sa mga tibo nito ang naiwan sa kanyang mukha, kamay, at katawan.
Agad namang sumaklolo ang ilang nakasaksi—kabilang ang isang miyembro ng PSO San Fernando na tumulong magtaboy sa mga insekto—bago tuluyang rumesponde ang mga tauhan ng MDRRMO. Wala pang inilalabas na opisyal na ulat hinggil sa kasalukuyang kondisyon ng biktima.
#SanFernandoCamSur #BicolNews #SwarmAttack #MDRRMOSanFernando #Incidents #SafetyAlert #CamarinesSur
View original post