PAGDAGSA NG DILIS SA MINALABAC, DAAN SA DAGDAG KITA NG MGA RESIDENTE

Sep 9, 2026, 8:15 AM

PAGDAGSA NG DILIS SA MINALABAC, DAAN SA DAGDAG KITA NG MGA RESIDENTE Patuloy ang pagbuhos ng biyaya sa Barangay Hamorawon, Minalabac, Camarines Sur matapos muling dumagsa ang napakaraming dilis sa dalampasigan nitong Martes, Setyembre 8. Sumunod ito sa serye ng kaparehong pagdagsa ng isda sa buong buwan ng Agosto. Malaking tulong ang panibagong huli para sa pangkabuhayan ng mga residente, na agad ginagawang tuyo at bagoong ang mga dilis upang ibenta at gawing karagdagang kita ng kani-kanilang pamilya. #BiyayaSaMinalabac #DilisFlooding #CamarinesSurNews #Minalabac #KabuhayangPinoy
View original post