‘DEODORANT-TASTER’ SA PANGASINAN, VIRAL SA NETIZEN!
Sep 8, 2026, 8:19 PM

‘DEODORANT-TASTER’ SA PANGASINAN, VIRAL SA NETIZEN!
Huli sa CCTV ang isang lalaki na nag-underarm deodorant muna bago ibinalik sa shelf ng isang convenience store sa Dagupan City, Pangasinan—nang hindi man lang binabayaran!
Hindi pinalagpas ng MyMart Everyday ang insidente at tinawag itong “very unhygienic” at “very squammy.” Iginiit ng tindahan na ang pakikialam at paggamit sa panindang hindi pa nabibili ay itinuturing na krimen.
“Using and tampering of product is a crime. Wala itong pinagkaiba sa tumikim ng hotdog sa 7/11 tapos ibinalik,” giit ng tindahan sa kanilang Facebook post.
Agad naman nilang inalis sa shelf ang nagamit na deodorant para hindi na mabili ng iba, sabay paalala sa mga customer: “If you use it, you buy it.”
View original post