ALEX GONZAGA AT MIKEE MORADA, IPINAKILALA ANG KANILANG PANGANAY NA SI ISAAC GERARD
Sep 8, 2026, 5:59 PM

ALEX GONZAGA AT MIKEE MORADA, IPINAKILALA ANG KANILANG PANGANAY NA SI ISAAC GERARD
Isang buwan matapos ang matagumpay na cesarean section (CS) delivery, opisyal nang ipinakilala ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga at ng kanyang asawang si Mikee Morada ang kanilang bagong silang na sanggol na lalaki na si Isaac Gerard G. Morada.
Sa isang post, ipinaabot ng mag-asawa ang kanilang labis na pasasalamat sa Diyos para sa ligtas na pagsilang ng baby boy, na tinawag nilang isang ganap na sagot sa kanilang mga panalangin matapos ang ilang taong paghihintay.
Bumuhos naman ang pagbati at saya mula sa mga kapwa artista, tagahanga, at netizens para sa bagong kabanata ng pamilya Morada.
View original post