SIGARILYO, PERA AT PANINDA, TINANGAY NG MGA MAGNANAKAW SA STO. DOMINGO, ALBAY
Sep 8, 2026, 5:55 PM
SIGARILYO, PERA AT PANINDA, TINANGAY NG MGA MAGNANAKAW SA STO. DOMINGO, ALBAY
Pinag-iingat ang mga residente at negosyante sa Sto. Domingo, Albay matapos pasukin ng mga magnanakaw ang isang bahay at tindahan sa Barangay Sta. Misericordia bandang 1:00 ng madaling araw nitong Setyembre 8, 2026.
Ayon sa ulat ng biktimang si Kaye Malate Binamira, tinatayang dalawa hanggang tatlong indibidwal ang pumasok sa kanilang establisyimento at tumangay ng pera, mga sigarilyo, at iba pang paninda.
Nanawagan ang pamilya sa sinumang may impormasyon na agad makipag-ugnayan sa mga awtoridad, habang pinapayuhan naman ang publiko na patuloy na mag-ingat at tiyaking nakataguyod ang seguridad ng kani-kanilang tahanan at negosyo.
View original post