PLAZA QUEZON, HANDA NA PARA SA PEÑAFRANCIA FIESTA SA NAGA
Sep 8, 2026, 3:45 PM

PLAZA QUEZON, HANDA NA PARA SA PEÑAFRANCIA FIESTA SA NAGA
NAGA CITY — Handa na ang Plaza Quezon sa Lungsod ng Naga bilang pangunahing venue ng iba't ibang aktibidad at pagtitipon para sa pagdiriwang ng Peñafrancia Fiesta. Ito ay matapos ang isinagawang pagsasaayos at paghahanda sa buong paligid ng plaza.
Inaasahang dadagsa ang libo-libong deboto at turista mula sa iba't ibang bahagi ng bansa para makiisa sa kapistahan. Dahil dito, naglatag na ng mahigpit na hakbang ang mga lokal na pamahalaan at seguridad upang matiyak ang kaayusan, kaligtasan, at mabilis na pagresponde sa anumang emergency sa buong durasyon ng pagdiriwang.
View original post