PULIS NA NAPUTOL ANG KAMAY MATAPOS RUMESPONDE SA NAG-AMOK, PINARANGALAN SA SAN JOSE

Sep 7, 2026, 4:36 PM

PULIS NA NAPUTOL ANG KAMAY MATAPOS RUMESPONDE SA NAG-AMOK, PINARANGALAN SA SAN JOSE SAN JOSE, CAMARINES SUR — Pinarangalan ng lokal na pamahalaan ng San Jose sa pamumuno ni Mayor Jerold B. Peña si Police Staff Sergeant (PSSgt) Noli Miraña ngayong Lunes, Setyembre 7, matapos ang tradisyonal na flag raising ceremony. Ibinigay ang pagkilala kay PSSgt Miraña bilang pagpupugay sa kanyang katapangan at propesyonalismo nang rumesponde sa isang insidente ng pag-aamok sa Barangay Calalahan. Sa naturang responde, tinaga ng suspek na si Willy Pequares si Miraña na naging dahilan ng pagkaputol ng kamay ng pulis at pagkasugat ng mukha nito. Ayon kay Mayor Peña, ang parangal ay pagpapatunay na ang LGU ay laging katuwang at sumusuporta sa kabayanihan ng lokal na pulisya sa lahat ng pagkakataon.
View original post