STUDYANTE SA NAGA CITY, NAMANGHA SA 'MIND ROVER' MOBILE MUSEUM NG THE MIND MUSEUM AT 2GO
Sep 7, 2026, 4:31 PM

STUDYANTE SA NAGA CITY, NAMANGHA SA 'MIND ROVER' MOBILE MUSEUM NG THE MIND MUSEUM AT 2GO
NAGA CITY — Binisita ng libo-libong estudyante sa Naga City ang 12-meter-long mobile museum bus na "Mind Rover"—isang inisyatibo ng The Mind Museum at 2GO—sa Naga City Hall ngayong Lunes, Setyembre 7.
Nagsimula ang pagbisita ng Mind Rover sa lungsod noong Setyembre 2 at nakatakdang manatili rito hanggang bukas, Setyembre 8, upang maghatid ng natatanging karanasan sa pag-aaral.
Tampok sa naturang mobile museum ang iba’t ibang interactive at hands-on science exhibits. Layunin nitong bigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong matuto at mag-explore ng mga konseptong pang-agham sa mas aktibo at masayang paraan labas sa karaniwang silid-aralan.
Ayon sa mga organizer ng programa, tinatayang mahigit 2,500 public school students at mga miyembro ng Indigenous Peoples (IP) communities ang inaasahang makikinabang sa libreng edukasyonal na karanasang ito.
View original post