Lalaki, Arestado sa Buy-Bust sa Calabanga
Sep 6, 2026, 8:27 PM

Lalaki, Arestado sa Buy-Bust sa Calabanga
Naaresto ng Calabanga Municipal Police Station (MPS) ang isang alyas "Lon" matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation noong gabi ng Setyembre 5, 2026, sa Barangay Sabang, Calabanga, Camarines Sur.
Nakuha sa suspek ang isang sachet ng shabu na ibinenta nito sa nagpanggap na poseur-buyer, pati na ang isa pang karagdagang sachet matapos ang isinagawang kapkap.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calabanga MPS ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
View original post