Alex Eala, dumeretso sa 3rd round ng US Open matapos pataubin si Oliynykova

Sep 4, 2026, 5:58 AM

Alex Eala, dumeretso sa 3rd round ng US Open matapos pataubin si Oliynykova Pasok na sa ikatlong yugto ng US Open si Philippine tennis star Alex Eala matapos nitong pagpagin si Oleksandra Oliynykova ng Ukraine sa kanilang tapatan ngayong araw. Dominado ng 19-taong-gulang na Pilipina ang simula ng laban kung saan itinala nito ang mabilis na 6-1 panalo sa unang set. Bagamat sumubok na lumaban ang Ukrainian star sa ikalawang set, napanatili ni Eala ang kaniyang composure upang isara ang laro sa skor na 6-4. Dahil sa panalong ito, patuloy ang pag-arangkada ni Eala sa women's singles division ng nasabing Grand Slam tournament habang nag-aabang sa kaniyang makakalaban para sa susunod na round.
View original post