8 Babae, Nasagip sa Human Trafficking sa Libmanan; 2 Suspek, Arestado

Sep 3, 2026, 9:01 PM

8 Babae, Nasagip sa Human Trafficking sa Libmanan; 2 Suspek, Arestado LIBMANAN, Camarines Sur — Walong kababaihan, kabilang ang dalawang menor de edad, ang matagumpay na nasagip mula sa umano'y human trafficking sa isang hotel sa bayan ng Libmanan. Ayon sa mga awtoridad, dinala ang mga biktima sa nasabing hotel upang ialok sa mga nagpanggap na buyer. Nagsagawa ng entrapment operation ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pakikipagtuwang kay Mayor Son Marfil at sa lokal na pamahalaan, kung saan dalawang suspek ang agad na nadakip. Nagmula sa mga bayan ng Libmanan, Pasacao, at sa lalawigan ng Quezon ang mga na-rescue na biktima. Patuloy ang imbestigasyon ng NBI upang matukoy ang iba pang posibleng sangkot sa iligal na gawain.
View original post