Kaso ng African Swine Fever, Kumpirmado sa Libmanan, Camarines Sur

Sep 3, 2026, 8:56 PM

Kaso ng African Swine Fever, Kumpirmado sa Libmanan, Camarines Sur LIBMANAN, Camarines Sur — Kumpirmadong pumasok na ang African Swine Fever (ASF) sa Barangay Labao matapos magpositibo ang mga sample sa Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory (RADDL) ng Department of Agriculture (DA) Region V. Agad na kumilos ang Lokal na Pamahalaan kasama ang DA at Municipal Agriculture Office (MAO). Isinailalim na sa quarantine ang apektadong lugar, at isinagawa ang culling at disinfection protocol. Nagsasagawa na rin ng mahigpit na monitoring sa 500-meter hanggang 1-kilometer radius ng apektadong piggery. Samantala, pansamantalang ipinagbawal ang pagpapasok at paglalabas ng mga buhay na baboy at produktong karne sa nasabing barangay. Pinuri ng pamahalaang lokal ang may-ari ng piggery sa mabilis na pag-uulat at nakiusap sa mga hog raiser na agad ipagbigay-alam ang anumang kaso ng maysakit na baboy upang mapigilan ang pagkumalat ng virus.
View original post