Grassfire, sumiklab sa Patitinan-Tiwi Road sa Sagñay, Camarines Sur

Sep 3, 2026, 8:52 PM

Grassfire, sumiklab sa Patitinan-Tiwi Road sa Sagñay, Camarines Sur SAGÑAY, Camarines Sur — Isang grassfire ang sumiklab sa bahagi ng Patitinan-Tiwi Road sa bayan ng Sagñay ngayong Huwebes, Setyembre 3. Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Sagñay, mabilis na kumalat at lumaki ang apoy sa lugar. Dahil dito, agad na naglabas ng babala ang mga awtoridad sa mga residente at motoristang bumabyahe sa nasabing daanan na mag-ingat nang husto. Nangangamba rin ang MDRRMO na maabot ng sunog at madamay ang protective net sa gilid ng bundok na nagsisilbing harang laban sa mga rockslide. Patuloy ang pag-apula sa apoy habang nagpaalala ang mga lokal na opisyal na maging alerto sa mga posibleng panganib sa kalsada.
View original post