Driver Nakatulog Habang Nagmamaneho: 9-Anyos Patay, 2 Sugatan Matapos Araruhin ng Jeep sa Labas ng Paaralan sa Virac

Sep 3, 2026, 1:57 PM

Driver Nakatulog Habang Nagmamaneho: 9-Anyos Patay, 2 Sugatan Matapos Araruhin ng Jeep sa Labas ng Paaralan sa Virac Inaresto ng Virac Municipal Police Station (MPS) ang isang 40-anys na drayber ng jeepney matapos makatagpo ng aksidente na nagresulta sa pagkamatay ng isang siyam na taong gulang na mag-aaral at pagkasugat ng dalawa nitong kamag-anak sa labas ng San Vicente Elementary School noong Biyernes. Ayon sa mga awtoridad, nakatutog ang drayber habang nagmamaneho dahilan upang mawalan ito ng kontrol sa sasakyan. Ipinaparada ng lolo ng biktima ang kaniyang motorsiklo upang ihatid ang mga bata nang biglang sumalpok ang jeepney sa safety barricade ng paaralan at direktang humagip sa kanila. Idineklarang dead on arrival ang siyam na taong gulang na bata, habang kasalukuyan namang ginagamot sa ospital ang lolo nito at ang isa pang limang taong gulang na kasama. Nahaharap ngayon ang drayber sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Physical Injuries.
View original post