LEA SALONGA, UNANG PILIPINO NA MAGKAKAROON NG STAR SA HOLLYWOOD WALK OF FAME

Sep 2, 2026, 5:49 PM

LEA SALONGA, UNANG PILIPINO NA MAGKAKAROON NG STAR SA HOLLYWOOD WALK OF FAME Gagawa ng kasaysayan si Lea Salonga bilang kauna-unahang Pilipino na mabibigyan ng bituin sa prestihiyosong Hollywood Walk of Fame. Ibinahagi ng opisyal na Instagram account ng Hollywood Walk of Fame (@hwdwalkoffame) ang larawan ng kaniyang star plaque bago ang nakatakdang unveiling ceremony. Lalagyan ang kaniyang bituin sa kategoryang Live Performance bilang pagkilala sa kaniyang natatanging kontribusyon sa larangan ng teatro at musika sa buong mundo. (📸: hwdwalkoffame/Instagram)
View original post