Banal na Imahen ng El Divino Rostro, Mahigpit at Taimtim na Inilipat sa Old Shrine

Sep 2, 2026, 2:37 PM

Banal na Imahen ng El Divino Rostro, Mahigpit at Taimtim na Inilipat sa Old Shrine Matagumpay at solemneng inilipat ang banal na imahen ng El Divino Rostro mula sa Basilica Minore patungo sa Our Lady of Peñafrancia Parish (Old Shrine) pagkatapos ng Banal na Misa noong ika-5:15 ng hapon. Ang debosyon sa El Divino Rostro ay nagpapaalala sa mga mamamayan at deboto ng awa, pagmamalasakit, at maibiging presensya ni Kristo, lalo na sa gitna ng mga pagsubok, paghihirap, at kawalan ng katiyakan. Sa pamamagitan ng panalangin at tapat na debosyon, hinihikayat ang mga mananampalataya na patuloy na humingi ng Kanyang gabay, magtiwala sa Diyos, at magbahagi ng awa at kabutihan sa kapwa. Mga Litrato nina: Francis Arvie Labay & JJ Pelagio #DivinoRostro #Peñafrancia2026 #Caceres75 #TheCradleofDevotion #OurLadyofPeñafranciaParish
View original post