Live Video ng Inang Tinitiis ang Pambabastos ng Anak, Nag-Viral sa Social Media
Sep 2, 2026, 1:57 PM
Live Video ng Inang Tinitiis ang Pambabastos ng Anak, Nag-Viral sa Social Media
Umani ng labis na galit at simpatiya mula sa mga netizen ang nag-viral na live video ng isang ina habang tinitiis ang kawalan ng respeto at pambabastos ng kaniyang sariling anak na lalaki.
Sa nasabing livestream ng netizen na nakilalang si Joeann Dela Rosa, kitang-kita at rinig ang pambabastos sa kaniya ng anak habang sinusubukan ng ina na manatiling mahinahon at tiisin ang sitwasyon.
Mabilis na kumalat ang video sa iba't ibang platform kung saan bumuhos ang suporta ng publiko para kay Dela Rosa. Marami sa mga netizen ang nagpahayag ng lungkot at pagkwestiyon sa pagtrato ng anak sa kaniyang magulang, habang ang iba naman ay nanawagan sa mga kinauukulan na bisitahin ang pamilya upang magbigay ng payo at tulong sa pamilya.
View original post