74-Anyos na Lola, Patay nang Mabangga ng Truck sa Pili, Camarines Sur
Sep 2, 2026, 12:44 PM

74-Anyos na Lola, Patay nang Mabangga ng Truck sa Pili, Camarines Sur
PILI, Camarines Sur — Patay ang isang 74-anyos na lola matapos mabangga ng isang malaking truck sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay San Jose, Pili, Camarines Sur, bandang alas-4:00 ng madaling araw ngayong Miyerkules, Setyembre 2, 2026.
Kinilala ang biktima na si Delia Valenzuela Santuyo, residente ng Zone 6 sa nasabing barangay.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Pili Municipal Police Station (MPS), naghihintay ng masasakyan ang biktima sa tapat ng San Jose National High School nang mangyari ang aksidente. Nabatid na patungo sana si Santuyo sa tanggapan ng NFA upang bumili ng murang beras nang sumalpok sa kaniya ang sasakyan.
Arestado at kinilala ang drayber ng truck na si Jogie Pestañas Candia, na nagmula pa sa Zamboanga Del Sur.
Posibleng maharap si Candia sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide, depende sa magiging pasya ng pamilya ng biktima. Patuloy pa ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.
View original post