Nawawalang Biyuda sa CamSur, Natagpuang Tumpok na Lamang ng Buto

Sep 2, 2026, 9:24 AM

Nawawalang Biyuda sa CamSur, Natagpuang Tumpok na Lamang ng Buto GOA, CAMARINES SUR — Natagpuan ang mga natuyong buto ng tao sa isang bukirin sa Zone 5, Barangay Taytay, Goa, Camarines Sur bandang 6:00 ng gabi noong Setyembre 1. Isang 26-anyos na lalaki at dalawa nitong kasama ang nakakita sa mga labi habang nangingisda sa ilog na nakatirik sa boundary ng Lagonoy at Goa. Agad nila itong ipinaalam sa mga awtoridad. Kinumpirma ng Goa Municipal Police Station na ang mga buto ay kay "Alias Puring," 75 anyos, na naitalang nawawala pa noong Hulyo. Ayon sa pamilya, may Alzheimer’s disease at hypertension ang biktima, dahilan para madalas itong magpagala-gala nang hindi namamalayan. Kasalukuyang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya at humingi na rin ng tulong sa SOCO para sa skeletal analysis ng mga labi.
View original post