BATA, NAISALBA SA PAGKALUNOD SA ISANG RESORT SA BATO, CAMARINES SUR

Sep 1, 2026, 8:43 PM

BATA, NAISALBA SA PAGKALUNOD SA ISANG RESORT SA BATO, CAMARINES SUR Muntik nang malunod ang isang bata habang nagtatampisaw sa Moving Clean Resort sa Bato, Camarines Sur. Mabilis na naiahon ang walang malay na paslit mula sa swimming pool. Agad naman itong nilapatan ng Cardio-Pulmonary Resuscitation (CPR) ng isang matapang na indibidwal sa lugar, dahilan upang muling huminga at magkamalay ang bata bago naisugod sa ospital. Umapaw ang papuri at "kudos" mula sa mga nakasaksi at netizens para sa mabilis na aksyon ng nag-CPR na siyang nagligtas sa buhay ng paslit. Paalala naman sa mga magulang na laging bantayan ang mga anak habang nagtatampisaw sa tubig. Courtesy MCV
View original post