Namataan ng mga residente sa ilang bahagi ng Catanduanes, kabilang ang Bayan ng Caramoran, ang isang mapulang pagsika...
Sep 1, 2026, 4:50 PM

Namataan ng mga residente sa ilang bahagi ng Catanduanes, kabilang ang Bayan ng Caramoran, ang isang mapulang pagsikat ng araw nitong umaga, Setyembre 1.
Ayon sa PAGASA, dulot ito ng light scattering sa atmospera. Kapag mababa ang araw sa horizon tuwing pagsikat o paglubog, mas mahaba ang tinatahak ng liwanag kaya kumakalat ang asul na kulay at nangingibabaw ang pula at kahel—na pinalalala rin ng mga particle sa hangin tulad ng alikabok at usok.
View original post