PAG-IBIG NA DI NATINAG NG BAHA: Kasal sa Hagonoy, itinuloy kahit lagpas-tuhod ang tubig sa loob ng simbahan

Sep 1, 2026, 3:43 PM

PAG-IBIG NA DI NATINAG NG BAHA: Kasal sa Hagonoy, itinuloy kahit lagpas-tuhod ang tubig sa loob ng simbahan Tuloy ang kasal ng isang mag-asawa sa Parokya ng San Juan Bautista sa Hagonoy, Bulacan nitong Martes, Setyembre 1, kahit lumubog sa lagpas-tuhod na baha ang loob ng simbahan. Sa kabila ng payo ng parokya na ipagpaliban ang seremonya, nagpasya pa rin sina Mr. at Mrs. Chico na ituloy ang pag-iisang dibdib. Upang makalakad sa baha, kinailangang paikliin ng bride ang kaniyang wedding gown. Ginamitan naman ng portable speaker ang kasal dahil sa kawalan ng supply ng kuryente at sound system. Naging matagumpay ang kasal sa kabila ng baha at mga aberya sa kanilang espesyal na araw.
View original post