High-ranking officer ng NPA, patay sa engkuwentro sa Camalig, Albay
Sep 1, 2026, 12:23 PM

High-ranking officer ng NPA, patay sa engkuwentro sa Camalig, Albay
Patay ang isang umano’y high-ranking officer ng New People’s Army (NPA) na kilala sa alyas na “Josam” matapos makasagupa ang militar sa Barangay Magogon, Camalig, Albay noong gabi ng Agosto 31, 2026.
Ayon sa 9th Infantry Division ng Philippine Army, tumagal nang 10 minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng 31st Infantry Battalion, PNP, at limang miyembro ng grupo.
Si “Josam” ay mahigit tatlong dekada nang miyembro ng NPA, naging lider sa iba’t ibang larangan nito sa Bicol, at sangkot sa maraming kaso ng pagpatay at iba pang krimen.
View original post