Bicolana Singer Carmelle Collado, Kakatawan sa Pilipinas sa Eurovision Asia 2026
Sep 1, 2026, 10:59 AM

Bicolana Singer Carmelle Collado, Kakatawan sa Pilipinas sa Eurovision Asia 2026
Si Bicolana singer Carmelle Collado ang gagamiting pambato ng Pilipinas sa kauna-unahang Eurovision Song Contest Asia 2026 matapos manguna sa Philippine Selection Night noong Agosto 30 sa New Frontier Theater, Quezon City.
Nangibabaw si Collado laban sa siyam na iba pang kalahok gamit ang kantang “Sobra-Sobra”. Dahil dito, opisyal siyang lalaban sa Grand Final na gaganapin sa Bangkok, Thailand sa Nobyembre 14, 2026.
Kilala rin si Collado bilang dating housemate ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, 1st runner-up sa The Voice Kids Philippines, at grand champion ng Tawag ng Tanghalan: The School Showdown noong 2025.
View original post