APAT NA KALALAKIHAN, ARESTADO SA ILEGAL NA TUPADA SA LIBMANAN
Aug 31, 2026, 9:20 PM

APAT NA KALALAKIHAN, ARESTADO SA ILEGAL NA TUPADA SA LIBMANAN
CAMARINES SUR — Arestado ang apat na kalalakihan matapos maaktuhang naggaganyan ng ilegal na tupada sa Barangay Udoc, Libmanan, Camarines Sur nitong Linggo, Agosto 30.
Sa ulat ng Libmanan Municipal Police Station (MPS), nahuli ang mga suspek humigit-kumulang alas-3:00 ng hapon habang isinasagawa ang ilegal na sabong sa nasabing lugar.
Nakuha mula sa kinaroroonan ng tupada ang tatlong panabong na manok, mga tari, at bet money na nagkakahalagang ₱2,800.
Kasalukuyang nakakulong ang apat na suspek sa Libmanan Police Station habang inihahanda ang mga kaukulang kasong isasampa laban sa kanila.
View original post