MGA ARI-ARIAN SA CABUGAO, ILOCOS SUR, NAPINSALA DULOT NG NANALASANG BUHAWI
Aug 31, 2026, 8:33 PM
MGA ARI-ARIAN SA CABUGAO, ILOCOS SUR, NAPINSALA DULOT NG NANALASANG BUHAWI
ILOCOS SUR — Isang buhawi ang nanalasa sa bayan ng Cabugao nitong hapon, na nagdulot ng malakas na bugso ng hangin, pag-uulan, at pinsala sa ilang ari-arian sa lugar.
Batay sa mga ulat mula sa Ilocos Today, nabuo ang buhawi sa gitna ng masungit na panahon na dala ng Habagat. Kasabay ng pag-alimpuyo nito ang malalakas na hanging sumira sa ilang estraktura at ari-arian ng mga residente.
Kasalukuyan nang inaalam ng mga lokal na awtoridad ang kabuuang halaga at sakop ng pinsalang iniwan ng insidente. Wala namang naiulat na nasaktan sa kasalukuyan.
View original post