MOTOR SUMALPOK SA NAKA-PARADANG MGA SASAKYAN SA MATNOG; 3 SUGATAN

Aug 30, 2026, 8:18 PM

MOTOR SUMALPOK SA NAKA-PARADANG MGA SASAKYAN SA MATNOG; 3 SUGATAN MATNOG, SORSOGON — Tatlo ang sugatan matapos sumalpok ang isang motorsiklo sa nakaparadang isa pang motor at tricycle sa Barangay Sta. Isabel, Matnog, Sorsogon, noong Sabado ng gabi, Agosto 29. Lumalabas sa paunang imbestigasyon na tinatahak ng motorsiklo ang kurbadang bahagi ng kalsada patungong poblacion nang mawalan ito ng kontrol, kainin ang kabilang linya, at dumiretso sa mga nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada. Agad na isinugod ng mga responder ang tatlong biktima sa Matnog Medicare Hospital para sa paunang lunas. Inihahanda na rin ang posibleng paglilipat sa kanila sa mas malaking pagamutan para sa karagdagang atensyong medikal. Patuloy ang imbestigasyon ng Matnog Municipal Police Station upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima at ang eksaktong dahilan ng aksidente.
View original post