NA-STOP NI OCAMPO: FIRST LOSS NI WELJON MINDORO SA 9TH ROUND TKO
Aug 30, 2026, 8:02 PM
NA-STOP NI OCAMPO: FIRST LOSS NI WELJON MINDORO SA 9TH ROUND TKO
Nalasap ni Weljon “The Triggerman” Mindoro ang kauna-unahang pagkatalo sa kanyang propesyonal na karera matapos patumbahin ng veteran Mexican fighter na si Carlos Ocampo via 9th-round TKO.
Naging maganda ang simula ng Pinoy pugilist sa mga naunang round, ngunit naging bentahe ni Ocampo ang kanyang karanasan hanggang sa maikonekta nito ang nagpapanalong kombinasyon sa ika-siyam na round na nagpaptigil sa laban.
Weljon Mindoro: 17-1-1, 16 KOs (Unang pagkatalo)
Carlos Ocampo: 39-4, 26 KOs
Bata pa at buo ang suporta ng sambayanan para sa muling pagbangon ng pambato ng Pilipinas.
View original post