Lalaking Nag-amok at Nanaga ng Pulis sa San Jose, Patay na
Aug 29, 2026, 1:52 PM

Lalaking Nag-amok at Nanaga ng Pulis sa San Jose, Patay na
Patay ang isang 38-anyos na lalaki habang inooperahan matatandaan binaril ng mga pulis nang mag-amok at managa ng opisyal noong Agosto 22 sa San Jose.
Ayon sa ulat, tinaga ng suspek si Staff Sergeant Noli Miraña na naging dahilan ng pagkaputol ng kamay nito. Dahil dito, binaril ng mga kasamahang pulis ang suspek upang maawat.
Mabilis na isinugod sa ospital ang parehong sugatan, ngunit pumanaw rin ang suspek habang inooperahan nitong madaling-araw ng Sabado, Agosto 29.
View original post