Bahay sa Lubao, Pampanga, Tumumba Dahil sa Malakas na Ulan at Baha

Aug 28, 2026, 7:15 PM

Bahay sa Lubao, Pampanga, Tumumba Dahil sa Malakas na Ulan at Baha Isang bahay sa tabi ng ilog sa Barangay Sta. Rita-Sto. Cristo, Lubao, Pampanga ang tuluyang bumagsak nitong Biyernes, Agosto 28, dahil sa patuloy na pag-ulan at malakas na agos ng tubig dulot ng habagat. Kasalukuyang nakataas ang Red Rainfall Warning sa buong lalawigan ng Pampanga ayon sa huling ulat ng PAGASA, na nagbabala ng matinding baha sa mga mabababang lugar. Kuha ni: Rockwell De Leon
View original post