LINEMAN, NAGTAMO NG SUGAT MATAPOS BUMIGAY ANG INAAYOS NA POSTE SA NEGROS OCCIDENTAL

Aug 28, 2026, 2:58 PM

LINEMAN, NAGTAMO NG SUGAT MATAPOS BUMIGAY ANG INAAYOS NA POSTE SA NEGROS OCCIDENTAL Sugatan ang isang lineman matapos mabuwal ang inaayos niyang poste ng kuryente sa Sitio Cagayon, Barangay Balintawak, Escalante City, Negros Occidental. Sa nakuhang video ng insidente, mabilis na bumagsak ang poste dahil sa mababaw na pagkakabaon nito sa lupa habang nasa itaas pa ang naturang lineman. Sa lakas ng impact, nahulog at tumama ang biktima sa madulas na gilid ng kalsada. Agad na sinaklolohan ng kanyang mga kasamahan at ng mga nakakita ang lineman. Kasalukuyan pang inaalam ang buong estado ng kanyang kalusugan kasabay ng imbestigasyon sa insidente.
View original post